Demolisyon ng Arroyo Compound sa Davao City, kinundena
Demolisyon ng Arroyo Compound sa Davao City, kinundena
Ang Bayan Ngayon » Demolisyon ng Arroyo Compound sa Davao City, kinundena
Mariing kinundena ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang demolisyon ng kabayahan ng mga maralitang-lunsod sa Arroyo Compound Golden Valley, Matina Crossing sa Davao City. Nasa 600 pamilya an...

Mariing kinundena ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang demolisyon ng kabayahan ng mga maralitang-lunsod sa Arroyo Compound Golden Valley, Matina Crossing sa Davao City. Nasa 600 pamilya ang nawalan ng bahay sa demolisyong ito.
Ayon sa mga ulat, nagising na lamang ang mga residente madaling araw ng Pebrero 27 sa ugong ng mga buldoser at backhoe na pumasok sa kanilang komunidad. Sinimulan ang paggiba sa mga bahay bandang alas-9 ng umaga at nagpapatuloy hanggang hapon. Maraming residente ang napilitang mag-“self-demolish” o magwasak ng sariling bahay para isalba ang mga materyal nito. Sa gitna ng marahas ng demolisyon, desperado nilang inipon ang kanilang mga gamit sa kabilang bahagi ng Matina Crossing.
Ayon sa mga residente, ipinaalam ng mga upisyal ng barangay noong Pebrero 24 na hanggang Pebrero 26 na lamang sila maaaring manirahan sa lugar. Ito ay sa kabila ng kawalan ng malinaw na plano para sa relokasyon ng lokal na gubyerno ng Davao City. Wala ring inalok na kumpensasyon sa mga sisiraing bahay ang kumpanyang umangkin sa lupa.
Marami sa mga residente dito ay nakatira sa compound mula pa dekada 1980. Marami rin sa kanila ang may pinanghahawakang titulo. Sa kabila nito, pinaboran ng korte ang pag-angkin ng isang negosyante na siya ngayong nagpapalayas sa kanila sa lugar.
The post Demolisyon ng Arroyo Compound sa Davao City, kinundena appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.